Monday, January 11, 2010

MAY TANONG AKO, MASASAGOT MO?

ano palagay mo sa sarili mo?
akala mo ba magaling ka?
magaling ka na ba kapag may alam kang hindi alam ng iba?
o mas magaling ka sa kanila kung hindi nila alam ang karamihan sa alam mo?
bakit?
sigurado ka bang alam mo lahat ng nalalaman nila?
sigurado ka bang ang mga alam mo ay hindi nila alam?
huwag kang magtawa sa hindi alam ng iba..
ang dahilan ng pinagtatawa mo ang magiging dahilan kung bakit ka nila pagtatawanan sa hinaharap..
huwag kang magpalamon sa sarili mong kayabangan, kahangalan..
hindi ka naiiba sa marami..
wag mong ituring ang sariling mong iba..
tulad ka rin ng lahat, mahina, makasalanan..
magkakaiba pero pare-pareho..
naiintindihan mo ba ako?
paano mong maiintindihan ang isang akda kung sa umpisa pa lang labag na sa loob mo ang makipag-usap sa saloobin ng sumulat niyon?
huwag mo ng simulan ang pagbabasa kung alam mo sa sarili mo na sa simula pa lang, binabasa mo ang isang akda para lang hanapan ng mali ang sumulat..
walang saysay to..
dahil walang saysay ang nagbabasang huwad tulad mo..